Rosie
Topluluk Eğitmeni
Ano ang masasabi mo sa larawan na ito? Lumaki ako sa ganitong klaseng paligid, Simpli lang ang buhay, walang maingay na trapiko... Tanging tunog ng mga ibon at kalabaw ang aking naririnig araw-araw, idagdag na natin ang maingay kong nanay na para ring ibon o kaya manok na putak ng putak ,Oo nakakabingi minsan ang mga paulit-ulit n'yang sinasabing mga paalala't pagdadabok upang kami'y maigising at makapagsimula sa mga gawaing bahay bago pupunta sa paaralan. Noong una akala ko hindi n'ya kami minahal dahil palagi siyang galit, subalit ngayon na ako'y malaki na napagtanto ko na ang lahat nang iyon ay bahagi ng aking buhay dahil natuto akong maging matatag, malakas, at marunong humarap sa ano mang hapon ng buhay. Namimis ko tuloy ang mga iyon..... Namimis ko rin ang buhay sa probensya.... Kailan pa kaya ako makabalik doon?? Namimis ko rin ang mga preskong pagkain at mga prutas , pag-akyat sa punong mangga, Marang at Maging punong bayabas. Paminsan-minsan gusto kong balik-balikan ang nakaraan dahil iyon ang dahilan kung bakit natuto akong mangarap at magsikap. Habang maybuhay may pag-asa at ginhawa. Ituloy n'yo lang ang nasimulan n'yo Makakarating din kayo s dulo..... May dulo ba??? Parang wala naman???? Kahit na walang dulo ...... Go, go, parin tayo..... Kayo masaya ba ang iyong kabataan ???? Kahit ano man ang iyong naging karanasan Ipagmalaki parin natin kasi
22 Eki 2024 01:37
Yanıtlar · 1
1
Kasi kung walang kahapon,wala ring bukas at ngayon.....
23 Eki 2024 16:36
Hâlâ cevap bulamadın mı?
Sorularını yaz ve ana dil konuşanlar sana yardım etsin!